 |
| Mga kalahok sa palabas |
Marahil
marami sa atin ang hindi alam o ngayon pa lamang narinig salitang “Eidolon”.
Ang Eidolon ayon sa Merriam-Webster Dictionary ay “unsubstantial image” o
“apparition” na para sa akin ay angkop na angkop at nababagay sa tema ng storya
na nagpapakita ng katatakutan. Sa aking opinion, maganda ang pamagat nito dahil ang salitang ginamit dito ay
bihirang gamitin ng isang simpleng tao. Maaari itong mag-iwan ng marka sa mga
isipan ng mga taong nanood nito na kapag narinig o nabasa nila ang salitang ito
ay maaalala nila ang palabas na ito. Susunod ko naman na babanggitin ay ang
lugar o setting at mga kagamitan na
ginamit nila sa palabas. Hindi man ganun kaganda ang at kaluwag ang kanilang
lugar na pinagganapan pero makikita mo na pinaghirapan nila itong ayusin at
pagandahin, maganda rin na nai-maximize nila ang lugar na pinagkaloob sa
kanila, hinati hati nila ang ibat ibang scene sa ibat ibang lugar na nagbigay
ng tsansa sa bawat manonood na makalipat ng pwesto at makapwesto sa harapan.
Maayos din ang mga kasuotan ng mga gumanap, naipakita dito ang ibat ibang
kasuotan ng ibat ibang henarasyon at kultura. Kung tatanungin naman ako tungkol
sa pagiilaw at “sound system” na kanilang ginamit, ang masasabi ko lang hindi
ito ganun kaganda, maayos naman ang kanilang pagiilaw ngunit may ilang mga
parte kung saan ka masisilaw at meron din ibang madilim. Sa audio naman nila ay
medyo mahina nung umpisa pero naayos naman nila ito habang umaandar ang
istorya.
 |
| si Ate Balerina |
Maganda ang
istorya at mahuhusay ang mga artistang gumanap. Ang paraan ng kanilang pagarte
ay natural na natural sa kanila, hindi sila mukhang over acting. Mahusay ang
mga gumanap lalong lao na sa unang parte ng istorya kung saan nilarawan nila
ang pagsuway sa utos ng Diyos nila Adan at Eva pati na rin ung babaeng gumanap
bilang “doll master”. Malinaw at klaro ang kanilang boses kaya hindi nakakalito
ang duloy ng istorya. Maganda rin na naipakita nila ang pagusad ng panahon na
sinimulan nila sa panahon nila Eva at Adan hanggang sa pangkasulukayang
nangyayari sa mundo.
 |
| Si Ateng may-ari ng Eidolon Toy Shop |
Sa aking
pagtatapos, masasabi ko na maganda ang palabas kelangan lang nila pang ayusin
ang ibang mga bagay katulad ng audio para mas maipakita pa nila ang kanilang
husay, mensahe at talento na kanilang taglay.