Biyernes, Oktubre 12, 2012

Eidolon.

Mga kalahok sa palabas

Marahil marami sa atin ang hindi alam o ngayon pa lamang narinig salitang “Eidolon”. Ang Eidolon ayon sa Merriam-Webster Dictionary ay “unsubstantial image” o “apparition” na para sa akin ay angkop na angkop at nababagay sa tema ng storya na nagpapakita ng katatakutan. Sa aking opinion, maganda ang pamagat  nito dahil ang salitang ginamit dito ay bihirang gamitin ng isang simpleng tao. Maaari itong mag-iwan ng marka sa mga isipan ng mga taong nanood nito na kapag narinig o nabasa nila ang salitang ito ay maaalala nila ang palabas na ito. Susunod ko naman na babanggitin ay ang lugar o setting at mga kagamitan  na ginamit nila sa palabas. Hindi man ganun kaganda ang at kaluwag ang kanilang lugar na pinagganapan pero makikita mo na pinaghirapan nila itong ayusin at pagandahin, maganda rin na nai-maximize nila ang lugar na pinagkaloob sa kanila, hinati hati nila ang ibat ibang scene sa ibat ibang lugar na nagbigay ng tsansa sa bawat manonood na makalipat ng pwesto at makapwesto sa harapan. Maayos din ang mga kasuotan ng mga gumanap, naipakita dito ang ibat ibang kasuotan ng ibat ibang henarasyon at kultura. Kung tatanungin naman ako tungkol sa pagiilaw at “sound system” na kanilang ginamit, ang masasabi ko lang hindi ito ganun kaganda, maayos naman ang kanilang pagiilaw ngunit may ilang mga parte kung saan ka masisilaw at meron din ibang madilim. Sa audio naman nila ay medyo mahina nung umpisa pero naayos naman nila ito habang umaandar ang istorya.
si Ate Balerina

Maganda ang istorya at mahuhusay ang mga artistang gumanap. Ang paraan ng kanilang pagarte ay natural na natural sa kanila, hindi sila mukhang over acting. Mahusay ang mga gumanap lalong lao na sa unang parte ng istorya kung saan nilarawan nila ang pagsuway sa utos ng Diyos nila Adan at Eva pati na rin ung babaeng gumanap bilang “doll master”. Malinaw at klaro ang kanilang boses kaya hindi nakakalito ang duloy ng istorya. Maganda rin na naipakita nila ang pagusad ng panahon na sinimulan nila sa panahon nila Eva at Adan hanggang sa pangkasulukayang nangyayari sa mundo.
Si Ateng may-ari ng Eidolon Toy Shop
Sa aking pagtatapos, masasabi ko na maganda ang palabas kelangan lang nila pang ayusin ang ibang mga bagay katulad ng audio para mas maipakita pa nila ang kanilang husay, mensahe at talento na kanilang taglay.